Sa kasalukuyan, ako ay nagtratrabaho dito sa JP Morgan Chase, maganda ang compensation package dito at ang environment na din. More than a year na din ako dito, at para saken mahirap akong magtagal sa isang companya kaya sa tingin ko maganda ang pamumuhay ko dito kaya magtatagal pa ako.
Bukod sa trabaho, busog pa ang mga mata ng mga gurls at beki dito dahil ang daming gwapo. Haay, kung makakapagshare lang ako sa nyo ng pics sa tingin ko sa susunod na lang. sa katunayan, kakatapos lang ng lunch break ko at nakatabi ko na naman ang di ko maintindihan na parating sumasabay sa lunch break ko na guy. Gwapo sha. Mukhang brazilian model tapos long at curly ang hair nya. Pero di ko pa sha nakakausap, parang mahiyain ata kami pareho.
Marami din ang kemehan na nangyayari dito sa Chase, palibhasa eh meron ditong Phonebook (pamalit sa Facebook) na pwede ka magsearch ng kahit sino na nagtratrabaho throughout Chase as in kahit saan parte ng mundo, go lang sha. At ang maganda pa dito ay may picture at personal information na pwede ka ilagay kaya kung gusto mo manghunting, go search ka lang sa phonebook.
Maaari mo pa kausapin ang kahit sinong nagtratrabaho dito sa pamamagitan ng Office Communicator, parang Yahoo Messenger din pero pang office nga lang.
So ayun, I'll post pics soon :)
No comments:
Post a Comment