Welcome everyone to my new blog. First, let me introduce myself, I am Daniel and to get it straight, ruler na lang daw ang straight ngayon so I am gay ;)
Palipat lipat nako ng bahay tirahan at ngayon ay napadpad sa medyo me kasushalan naman na lugar, sa California Garden Square. Eto ay dahil sa nagkaroon ako ng jowa na dun na naninirahan eh ang lola nyo shempre gusto ko din magupgrade ng lifestyle kaya go packup from the slums of Taguig to the upper east side, joke lang.... hehehe!
So sa pagdating ko sa California Gardens napagtuntunan ko na left and right pala ang mga badingerz dito. At sa bahay pa lang namen, me kasama din kami na friends ng boyfriend ko na si Pishot - si John at ang kanyang jowa na si Chris, si Mama Renee at ang padiscreet na nurse na si Richie. Every weekend din bumibisita samin ang friends nya na si Mikoi at ang jowa nya na si Kylee. At lahat ng iyon ay mga bakla din...
Sometimes, naloloka din ako kasi first time ko na makasama ang puro bading kasi puro mga straight (or pa-straight) na guys ang mga kasama ko noon sa Taguig.
Up to now, 5 months nako sa California Gardens, at madami nako natutunan about sa gay life. I admit I am already 27, pero konti lang ang naeexplore ko about gay life, parang I haven't come to a full bloom yet... (haha! me ganon talaga!) pero thanks to my new found friends, I am now able to explore it.
At sa blog na ito, ilalahad ko ang mga pangyayaring hindi ko parati naikkwento sa lahat ng tao. :)
No comments:
Post a Comment