Friday, July 29, 2011

Future

Ang aking Cookie at si August Bay sa kanilang paglaki - sana'y maging superheroes din sila

Sunday, July 24, 2011

World Peace

Nakakawingdang na ang mga pangyayari sa bahay dahil sa pagaaway away, pagiinggitan at kung ano ano pa. Ngayon narealize ko na ibang iba pala ang mundo kasama ang mga bekis kesa nung buhay ko dati sa Taguig kasama ang mga straight men and women.

Talagang sa mundong mga bekis, di maiiwasan ang pagpplastican, pagchachakahan at kung ano ano pa. Buti na lang at intellectual ako na tao at hindi madaling magpaapekto sa mga bagay na ito.

Basta, alam ko mahal ko ang jowa ko na si Pishot at gusto ko magtagal kami habambuhay.

WORLD PEACE :)

Friday, July 1, 2011

Flirting

Habang naghihintay ako ng bus pauwi, napansin ko ang grupo ng mga babaeng estudyante sa likuran ko na naglalandian at naghaharutan. Kaya napalingon ako sa kanila at sa aking paglingon, nakangiti silang lahat saken at nag hello. Kaya ako naman ay tumango na lang at ngumiti at habang nagpacute ako sa kanila ay ang aking pinapakinggan na music sa earphones ko - Run the World (Girls!) ni Mother Beyonce.

>:)

Thursday, June 30, 2011

White Party - CANCELLED!

Ito ang first time na makakaattend ako ng white party at dahil sa napakafriendly na si Falcon, nacancel tuloy ang walangyang White Party na yan sa Malate na nais ko sana na maexperience. Pero dahil wala na din kaming magagawa, tumuloy pa din kami at naki ayon naman ang panahon sa aming galaan. Madami pa din tao nung gabi na yon lalo na ang mga beki. Dahil wala naman kaming budget para pumasok sa mga bars with entrance fee, dun na lang kami tumambay sa katapat na bar para maginuman. Habang nagiinuman kami, napansin ko ang isang grupo ng mga beki na tingin ng tingin saken at sa point na parang lulubog na ako sa hiya, nakita ko ang ex ko na si Archie. Kaya pala! Ganung ganun pa din ang itsura nya at hindi kami nagpansinan talaga. Siguro ay nahihiya sya saken dahil nag iba na ako sa dati nyang nakilala.

Anyway, naging masaya ang gabi na yun dahil nakasama din namin ang ibang friends ng friends namin, super feeling close na ako, siguro dapat lang para naman maexplore ko pa ang world na ito.


Eto kami sa bagong bar sa tapat ng Obar at Chelu - ang CROWBAR - anubayan, wala na bang masgenuine pa na pangalan ng bar ngayon? :)


Sa wakas nakapasok na kami sa Chelu at madami pa din tao sa loob.

Si Mikoi, Mama Renee, Pishot at Ako habang palihim na me nakikipagholding hands saken ang tigas ng animal.

Pagkatapos, kumain kami sa Sinangag Express. Sa dami ng tao, nakalimutan ng ordertaker ang food namin, ayun tuloy nageksena ako, nakakuha tuloy kami ng free iced teas.

Monday, June 20, 2011

Ngayon ay ang kaarawan ng kumare ko na si Mylanie. Ito ang babae na hindi namin matalo talo sa larangan ng inuman. Salamat naman at pinayagan ako ni Pishot umuwi ng Taguig para makasama naman ang mga kaibigan ko.

Kahit na nakakaimbyerna na ang pagulan dahil wala silang makuhang pwesto para magcelebrate, sa labas na lang kami ng bahay ni Jaypher nagcelebrate. Nagsetup na lang sila ng tolda na butas butas din naman kaya ayun nakapayong pa rin kami, buti na lang meron akong dala.

Walang keme na nangyari nitong gabi na to dahil imbes na lalake ang ma-aurahan ko eh inaaurahan ako ng mga babae. At mabilis ako tinamaan ng padyak ng red horse kaya tumba ako kagad.

2 of my best buddies - si Rjhay at si Jhay2

Eto naman si Kim sa left side at ang nasa right side ay ang dati kong sweetheart na si James. char lang :)


Yung pangalawa mula sa kanan ay ang birthday celebrator na si Mylanie at ang mga kasamahan nya mula sa SM MOA.

Ang magasawa na si Christie at Jim

From L-R: Rjhay, Christie, Jim at Jhay2

Eto si James, tapos ang katabi nya ay ako pala, haha at yung girl sa tabi ko ay si Bona at ang boyfriend nya na nasa taas namin na si Jaypher


Eto ulit ang birthday celebrator na si Mylanie at ang kanyang mga friends galing SM MOA.


Saturday, June 18, 2011

Oh My Bulalo

Kanina nagbonding ang mga officemates ni Pishot and gang. Sinundan ko na lang sila after ng work ko. Nagbadminton muna sila sa Mandaluyong at hindi ko alam yung name ng place pero alam ko naman na sikat sha.

Yung nasa right ay si John ang pinaka-funny na kasama namin sa house. Yung nasa left naman.... sori di ko sha kilala... :)

Yung nasa right ay si Kapitan Toni, pa-gym buff ang effect nyan pero bottomesa yan. hehe. Yung nasa left, naku, pabayaan na lang naten shang blurred sa isipan naten. :D

At eto naman ang jowa kong si Pishot na feel na feel ang paglalaro ng badminton, me pasigaw sigaw pa, para daw masmarami ang maburn na calories - nakoo di naman kita sa katawan. :)
 So pagkatapos nila magbadminton at umabot na ko ng milya milya sa paglalaro ng Doodle Jump sa phone ko, finally, nakaramdam na sila ng pagod at nagdecide na umalis. Sa umpisa, ramdam na ramdam pa nila ang essence ng pagburn ng fats pero shempre, pag gutom talaga ang umatake, shempre wala nang diet diet... Kaya go kami sa RJ's Bulalo sa tabi lang ito ng Mandaluyong City Hall. Actually, napakafamous pala ng restaurant na to dahil sa wall neto nakapost ang mga pictures ng mga celebrities na kumain sa kanila at mga tv shows na napagcateran nila. Soshal pala pero mura lang dito.

Ayan si Pishot, super pili ng lafang, parang lahat ata gusto orderin

Kasama namin sa table si Mama Renee na nagsuggest ng aming kakainin na meal.

So ayun, umorder na kami ng Group Meal at super mura neto, for just P500 we got all below plus 6 rice and 1 pitcher of iced tea.

Super sarap nitong Chicken Adobo na to. Sana makuha ko na kung pano magluto ng ganitong klase ng adobo.

Eto ang kanilang Famous Bulalo, ang sarap nito grabe, to the bones talaga. :)

Kangkong with Bagoong - perfect side dish!

At ang pinakuhuli na grabe putaktihin ng dalawang kasama ko, ang Pritong Hito.

Me naramdaman na di kaaya aya si Mama Renee kaya di sha mashadong nakakain ng marami at nagmadali kaming umuwi sa bahay. Kaya ang natirang buto ng bulalo na meron pang konting laman, ayun, napunta kila Hershey at Cookie ang aking mga anak. Super happy sila sayang di ko sila napicturan. Next time na lang. :)

iPhone

Kakabili ko lang ng iPhone 3GS last November 2010, kung tutuusin, wala pa itong isang taon saken. Pero dahil sa tulong ni Pishot, ang aking mejo sushalin na phone, naupgrade na...

Nakareceive kami ng text na makukuha na namin ang iPhone 4 na mahigit isang buwan na naming hinihintay. Hindi talaga ayan ang actual na pic dahil nagiinarte pa ang phone na to at kelangan pang magupdate ng iTunes para gumana sha. Super puyat na tuloy ako. Shet.

Anyway, sa ngalan ng kagandahan, wait lang ako dito kaya sulat muna dito sa blog. Pero kapag nakikita ko tong iPhone 4 sa harap ko, I so smile like this ----

^______________________________,^